background image
T
HE
P
ASCHAL
V
ESPERS
(Agape Service)
18
áL1999, 2000 Spruce Island Foundation
Tagalog
(Widely-spoken
in the
Philippines)
Kinagabihan ng araw ding iyon, na unang araw ng sanlinggo, nagtipon ang mga
alagad. Ipininid nila ang mga pinto dahil sa takot sa mga Judio. Dumating si Jesus
at tumayo sa gitna at sinabi sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo. Pagkasabi niya
nito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at kaniyang tagiliran.
Nagalak ang mga alagad nang makita nila ang Panginoon.
Sinabi ngang muli ni Jesus sa kanila: Kapayapaan ang sumainyo. Kung papaano
ako isinugo ng Ama, ganoon ko rin kayo isinusugo. Pagkasabi niya nito,
hiningahan niya sila at sinabi sa kanila: Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu.
Ang kaninumang mga kasalanan na inyong pinatatawad ay ipinatatawad iyon sa
kanila. Ang kaninumang mga kasalanan na hindi ninyo pinatatawad, ang mga ito
ay hindi pinatatawad.
Si Tomas na isa sa labindalawang alagad ay tinatawag na Kambal. Hindi nila siya
kasama nang dumating si Jesus. Sinabi nga ng ibang mga alagad sa kaniya: Nakita
namin ang Panginoon. Sinabi niya sa kanila: Hindi ako maniniwala, malibang
makita ko ang pinagpakuan sa kaniyang mga kamay. Malibang mailagay ko ang
aking mga daliri roon, hindi ako maniniwala. Hindi ako maniniwala malibang
maipasok ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran.
Tö+rkö¬e
(Turkish)
bulunduklarö+ yerin kapö+larö+ kapalö+yken ö?sa geldi, ortalarö+nda durup onlara, áLSize
esenlik olsun!ᦠdedi. Bunu söTyledikten sonra onlara ellerini ve böTö¦rö+nö+ göTsterdi.